Welcome home

Sa Home mo makikita ang mga Tweet ng mga taong pinili mong sundan. Ito ang personal mong koleksyon ng mga Tweet, at natatampok dito ang mga pinakahuling balita, komentaryo at impormasyon tungkol sa mga pinagkukunan mong mahahalaga sa iyo.

Mas madali at mas mabilis na ngayong makita ang mga impormasyong pinakamahahalaga sa iyo. I-access agad ang mga paborito mong feature sa kaliwang parte ng pahina. Ang mga larawan, video at pag-uusap ay nakalakip na mismo sa mga Tweet kaya makikita mo na ang buong istorya sa isang sulyap. Ngayon, lahat ng nasa Home ay pare-pareho na ang hitsura sa kompyuter, iPhone, iPod Touch at sa Android mobile.

Kinukupkop ng Home ang lahat ng mga bagay na interesante para sa iyo sa iisang lugar.

Home
Home

Matutunan nang minsan lang.

Ang bagong tab menu ay pare-pareho sa lahat ng mga device. Kaya pareho ang karanasan mo sa mobile at sa desktop—saanman, kailanman.

Alamin kung saan pupunta.

Mas madali mong makuha ang kailangan mo dahil sa mas simpleng disenyo. Tingnan nang mas madali ang mga Twitter stats mo, makatanggap ng mga mungkahi kung sino'ng dapat sundan at makita ang mga nauusong paksa—sa iisang click.

Mayroon pang iba sa Mga Tweet

Tingnan ang mga Tweet mula sa lahat ng mga sinusundan mong account. Puwede nang buksan ang mga Tweet para makita ang dagdag pang impormasyon gaya ng mga sagot, mga retweet at mga nakasiping larawan at video.


Dito nagsisimula ang usapan.

Ang bagong seksyon na Konek ay kung saan ka papasok sa usapan.

Ito ay ang lugar upang makita mo ang kung sino ang sumunod o nabanggit ka, ni-retweet o ginawang paborito ang isa sa ng iyong mga Tweet.

Ang Konek ay ang iyong paraan para manatili sa usapan.

Home
Home

Kumonekta kina @usernames

Kapag nakaka-enkontra ka ng @username—sa balita, sa billboard, o sa isang business card—ilagay dito para mas makaalam pa at makakonekta kaagad.

Aksyonan ang Interaksyon

Bakasin ang impluwensiya mo sa Twitter. Pinapakita ng Interaksyon ang lahat ng gawa ng mga taong may kaugnayan sa iyo at sa mga Tweet mo. Tingnan kung sino ang sumusunod sa iyo, nag-re-retweet o nagpapaborito ng mga Tweet mo, o kaya'y nagdadagdag sa iyo sa listahan nila.

Huwag kang maka-miss ng banggit

Tingnan sa isang lugar ang lahat ng mga Tweet na binabanggit ka, para matuloy mo ang pag-uusap.


Nagtatagpo ang simple at ang suwerte

Ang Tumuklas ay hinahayaan kang mapunta sa isang stream ng mga kapaki-pakinabang at nakaaaliw na impormasyon, customized lamang para sa iyo.

Pag gumamit ka ng Tumuklas, makakakita ka ng mga resultang sumasalamin sa mga interes mo na nakabase sa lokasyon mo. Makikita mo rin ang mga sinusundan mo at kung ano'ng nangyayari sa mundo. Habang ginagamit mo ang Twitter, mas umiigi ang Tumuklas sa paghain ng mga nilalaman na tugma sa iyo.

Kung ano man ang gusto mong usisahin, tutulungan ka ng Tumuklas para makahanap pa tungkol dito.

Sa iyo na lahat ito
Sa iyo na lahat ito

Ginawa para sa iyo

Ang mga laman ng kuwento't nauuso sa mundo mo, base sa pinakahuling popular na paksa, mga koneksyon, lokasyon at wika mo.

Tuklasin ang #hashtags

Nakaispot ka ng #hashtag? Ilagay dito para matuklasan mo ang lahat ng mga kuwento, usapan at nilalaman na kaugnay nito.


Tungkol sa iyo

Nilalagay ka at ang mga interes mo ng bagong profile section sa harap at gitna ng lahat.

Direktang makaka-Tweet sa iyo ang iba, at makikita rin nila ang mga iyong mga listahan, paborito, tagasunod, larawan at iba pa. Sa Me tab, mananatiling maalam ka tungkol sa mga pag-uusap mong nasa direktang mensahe.

Ang Me tab ay ang oportunidad mo para pakilala mo ang sarili mo sa mundo.

Ang profile mo
Ang profile mo

Ang profile mo

Idagdag ang mga impormasyong gusto mong ibahagi para madali kang makilala ng mga tao. Gumawa ng bio, maglagay ng larawan, ibahagi ang lokasyon mo at i-link ang iyong website o blog.


Magsalita ka.

I-click ang bagong Twitter button at agad-agad ipadala ang mensahe mo sa buong mundo.

Kahit nasaan ka sa loob ng Twitter, napakadali lang para ipahayag ang iyong sarili. Maaari kang mag-upload ng mga larawan, magdagdag ng iyong lokasyon at link sa mga video, mga kuwento ng balita at iba pa.

Gamit ang Tweet button, naibabahagi mo ang nangyayari ngayon din.

Media
Media

Isang libong salita

Mag-upload ng mga larawan sa Twitter mula sa iyong mobile phone o desktop—at i-link ang mga video, bagong balita at marami pa sa iyong mga Tweet.


Mauna ka.

I-download ang pinakahuling bersyon ng Twitter para sa iPhone o Twitter para sa Android para ma-access mo ang Twitter na may bagong disenyo sa kompyuter mo..

I-download para sa iPhone I-download para sa Android

Para laging updated sa pinakahuling balita tungkol sa Twitter, sundan ang@twitter at basahin ang aming blog.

Home
Home